Nangarap sa gitna ng karimlan
Makapagpahinga nawa sa hirap
At makawala sa kawalan
Bayang nababalot ng hiwaga
Hindi ka ba namamangha
Lupa na sagana't pinagpala
Bakit naglipana ang dukha
Minsa'y isang bansang nakipaglaban
Nag-alay ng kanyang mga anak
Hangad ang magandang kinabukasang
Tinatamasa ng lahat
Ano nga ba'ng saysay ng Pugad Lawin
Kung ang madla'y aba't mangmang
Ang EDSA ba ay may ibig sabihin
Sa mga tiyang kumakalam
Minsa'y isang bansang nagbayanihan
Upang iahon ang munting dampa
Subali't sa halip na kabutihan
Sa tiwali't digma muling nasalanta
Ako'y nakikiusap sa may kaya
Sa abot ng inyong kakayanan
Ipalaganap ang hustisya
At kalingahin ang sambayanan
Minsa'y isang bansa ang nagsisikap
Na samantalahin ang panahon
Minsa'y isang bansa ang nangangarap
Na sana'y mahalin mo na ngayon
Minsa'y isang bansa ang nangangarap Nangarap sa gitna ng karimlan Makapagpahinga nawa sa hirap At makawala sa kawalan Bayang nababalot ng hiwaga Hindi ka ba namamangha Lupa na sagana't pinagpala Bakit naglipana ang dukha Minsa'y isang bansang nakipaglaban Nag-alay ng kanyang mga anak Hangad ang magandang kinabukasang Tinatamasa ng lahat Ano nga ba'ng saysay ng Pugad Lawin Kung ang madla'y aba't mangmang Ang EDSA ba ay may ibig sabihin Sa mga tiyang kumakalam Minsa'y isang bansang nagbayanihan Upang iahon ang munting dampa Subali't sa halip na kabutihan Sa tiwali't digma muling nasalanta Ako'y nakikiusap sa may kaya Sa abot ng inyong kakayanan Ipalaganap ang hustisya At kalingahin ang sambayanan Minsa'y isang bansa ang nagsisikap Na samantalahin ang panahon Minsa'y isang bansa ang nangangarap Na sana'y mahalin mo na ngayon Explain Request ×
Lyrics taken from
/lyrics/g/gary_granada/minsay_isang_bansa.html