This is my interpretation to the song alapaap by Eraserheads.
Konting background story. Nasilip ni Sen. Tito Sotto, na ang kanta'y tila nanghihikayat nang paggamit ng drugs, at na-ban itong patugtugin sa radyo. Pinatawag din sila sa Senado at inimbistigahan. Sinabi ni Ely na sya ang composer nito, at ang kanta daw ay tungkol sa pangarap noong bata pa sya na makalipad, para din daw ito sa kalayaan. Dahil ang composer lamang ang makapagsasabi kung ano ang ibig sabihin ng kanta nya, walang nagawa ang senado kundimaniwala sa kanya, Ngunit upang makasiguro ay kailangan nilang banggitin sa publiko na ito ay hindi tungkol sa drugs.
Nitong huli, sa interview sa kanya ng Esquire magasin, ay inamin din nito na ito'y tungkol sa "weeds lang naman", ngunit agad ding binawi, "pwede ring hindi", alam nyo kung bakit? Dahil ang pag-amin nito sa publiko na ito'y tungkol sa drugs, hindi lamang iba-ban ang kanta, kundi ikukulong pa sya. At ang parusa sa panghihikayat mag-drugs ay simbigat ng parusa sa pagtutulak nito.
About the song: Ang buong kanta ay tungkol sa legalisasyon ng marijuana. Sa mga hindi pa nakakaalam, ito ay legal na sa dalawang state sa America, Colorado at Los Angeles. May sampung state pa ang nagco-consider na gawin na din itong legal. Dagsa din ang mga nais mag-invest sa mga negosyong may kinalaman sa marijuana. Dito sa atin, legal na din ang pag-gamit dito kung ikaw ay may karamdaman, at kung ito'y payo ng doktor (Medical Marijuana).
My interpretation:.
Alapaap - Clouds, ulap, a place near the heavens, kung saan ang pakiramdam ay masarap.
May isang umaga na tayo'y magsasama - this is a vision, or a prophecy if you will, na darating ang araw na magiging legal ang weeds. May isang umaga- darating ang bright future, Na tayo; y magsasama - tayo'y magkakasundo sa lahat (picture it like the pagsasama sa piging ng kordero)
Haya at halina sa alapaap, - Hayaan daw itong mangyari, at sumama na lang sa alapaap.
Oh anong sarap aaah - sarap daw.
Hanggang sa dulo ng mundo - naka blind ung "Ipaglalaban ko", (hanggang sa dulo ng mundo)
Hanggang maubos ang ubo - "ubo" here refers to doubts, skepticsim.
Hanggang gumulong ang luha - ?
Hanggang mahulog ang tala - hanggang makamit ang minimithi.
Masdan mo ang aking mata, di mo ba nakikita?
Ako ngayo, Y lumilipad at nasa langit na.
Gusto mo bang sumama?
Dinidiscribe dito sa chorus ang pakiramdam ng isang naka-weeds, (parang nasa langit), at sa mata ito nagma-manifest, (mapula at mapungay), then nagyayaya sya.
Di mo na kailangan ang magtago't mahiya - pag legal na ang weeds, di mo na ito itatago at ikahihiya, hindi na magiging masama ang pananaw ng mga tao sa mga gumagamit nito, pati sila ay gagamit na rin.
Di mo kailangan pang humanap ng iba - di mo na rin gugustuhing gumamit ng ibang drugs, makukuntento ka na dito, parang gusto ding sabihing, good drugs ang weeds, bad ung iba.
Kalimutan lang muna ang lahat ng problema - take a break ka muna sa problema.
Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na - humithit ka muna ng mahaba-haba, at tayo'y magtr-trip na.
Handa na bang gumala? - are you ready to roam?
Interlude: Nagsu-suggest ito na sila'y lumilipad, pataas, gliding, mabilis at landing, na sumusunod sa pagpapalit ng chord progressions. Pa parap pa parap pa parap pa parap. La. Ooh,. Ooh.
Ang daming bawal sa mundo.
Sinasakal nila tayo.
Buksan ang puso at isipan.
Paliparin ang kamalayan (paliparin)
Sa last stanza, binanggit nito ang sentimiyento sa batas, at humingi ng konsiderasyon upang baguhin at alisin ang pagiging bawal nito.
Balik sa Chorus then sa ending nagtanong nang nagtanong kung gusto nilang sunama sa kaisipan na maging legal ang weeds.
Gusto mo ba? Gusto ma ba?. Gusto mo bang sumama?
Hehe, Gusto mo bang sumama?