0-9 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

recentactivity

  • All
  • Submitted
  • Corrected
  • Explanations
  • Meanings
+ 23
Meaning
Ang awitin ay isang patunay ng mga gawain ng tao na nakasisira ng ganda ng ating kalikasan. Naging mapanira ang ilang gawain ng tao sa kapaligiran. Lahat ay nagnanais mapaunlad ang pamumuhay. Hindi nga ito masama ngunit bigyang pansin ang mga paraan na ginagawa natin para lang mapaunlaad ang ating pamumuhay. Hindi rin naman siguro tayo magiging masaya kung ang pag-unlad natin ay nakasasama sa ating mundong ginagalawan, Lagi sana nating isaisip na ang lahat ng bagay na nasa atin ay may pinagmulan. Lahat ito ay mula sa ating Poong Maylikha at patuloy niya itong inaalagaan at pinahahalagahan gaya ng pagpapahalaga niya sa bawat isa sa atin. Bigyan natin ng pagkakataon ang susunod na henerasyon na danasin ang saya at ginhawang dulot ng mayamang kalikasang sa atin ay ipinagkaloob. Isaalang-alang natin ang mga gawaing makatutulong sa muling paglago at pagpapaganda sa mundo. Huwag sana nating hintaying tuluyang bawiin ng Maykapal ang mga biyaya niya sa atin. Ang kalikasang ang tangi nating tirihan. Ang tuluyang pagkasira nito ay magdudulot rin sa atin ng hindi maganda. Lagi nating isipin na mas mainam mabuhay kung laging may kaagapay at iyon ay makikita at madadama natin sa ating mapagpalang kalikasan kaya't pangalagaan at ingatan natin ito.
  • Rank
    41047
  • Karma
    5
  • Points to next rank
    2
  • Submitted
    0
  • Corrected
    0
  • Explanations
    0
  • Meanings
    1