Christian song to mga brad! Pinapaalala lang satin ng Kamikazee na kahit pang adik lahat ng mga tinutugtog nila ay kailangan magbalik loob din paminsan minsan! Alay ito ng Kamikazee sa Diyos na hindi sila pinapabayaan kahit na wala na silang oras para sa mga bagay na dapat ay ginagawa nila. Sabi pa nga e "Ngunit sa kabila ng lahat, Ika'y aking nakakalimutan at sa oras ng kahinaan di ka nangiiwan". Aminado naman na nakakalimot din sila pero at least meron silang alay na kanta, kaya nga alay ung title ee. Pero ang pinaka masarap pakinggan, ung tipong alam nila na pinagpala sila dahil nakilala nila ang Diyos, mababasa natin sa taas "Pinagpala ang makilala ka, Ikaw ang dahilan ng aking paghinga"! Astig talaga! Christian song ang datingan! Mejo d nga lang bagay ng konti lang naman sa kanila, pero astig pa din! Wala na kong masasabi pang iba pero nagpapasalamat ako sa mga nagtyagang magbasa ng "meaning" na to, alay ko rin sa inyo ang "small knowledge" na to para sa dagdag kaalaman. Ayon sa obsebasyon, maybe ang Kamikazee na name (bukod sa real term na kamikazee) ay nanggaling sa phrase na "Kami kase". Mejo katunog naman diba? Pagbigyan niyo na! Hahaha! Ty!