Alam niyo bang may crush ako mula pa nung grade six inspired akong magsimba palagi dahil sakristan siya sa church namin. Nung una hindi ko pa talaga siya type pero nang kalaunan ay naging crush ko na siya. Nakita ko kasi kung gaano siya kabait at gaano kagentleman. Pero nang naging first year highschool ako di ko niya siya nakikita dahil grade six palang siya. Oo ahead ako sa kanya ng 1 year. Nung 2nd year highschool ako laking tuwa ko nang magkaschoolmate kami ulit. Naking stalker niya talaga ako. Kahit yung scratch paper niya kinukuha ko, yung bag niya alam ko ang brand, sapatos, friend, mga kapatid. Lahat nung una palagi pa siyang dumadaan ng room namin kasi di pa niya alam na crush ko siya pero nang nalaman niya iniiwasan na niya ako. Talagang pinapaangarap ko siya. Para siyang star magandang tingnan kumikislap. Pero di naman ako makalapit sa kanya kasi di ko na siya mareach. Sana kahit kaunti mapansin niya ko.