Nagkakilala sa di inaasahang pagkakataon. Napadpad siya sa pampanga para mag training at ako naman ay busy sa aking trabaho. Pinagtagpo kami ng tadhana ngunit sa maling panahon. May dalawang anak na siya nung nakilala ko siya pero hindi pa sila kasal ng asawa niya at ako'y dalaga. Umasa na merong "kami hanggang huli". Pinilit pa rin namin, sinubukan na baka pwede ngunit bumitiw ako dahil alam kong may sisirain akong pamilya. Hindi kaya ng kunsensiya ko kahit na mahal na mahal ko siya. Naaawa ako sa asawa niya lalo na sa dalawa niyang anak. Gusto kong may buo at masaya silang pamilya lalo na sa paglaki nila. Binitawan ko siya kahit na sobrang sakit at hirap. Pinakasalan na niya yung asawa niya ngayon. Tanging dasal ko ang maging masaya siya palagi kahit kapalit nun yung kasiyahan namin.
Alam ko gaano kalaking desisyon ang ginawa natin. Ikaw, ayaw mo masira ang buhay ko dahil ayaw mong makarinig ako ng masasakit na salita galing sa ibang tao at ako, ayokong sirain ang pamilya mo, masyado kitang mahal at gusto kong magparaya para sa mga anak mo. Alam mong mahal na mahal kita. Hinding hindi kita kakalimutan dahil minsan ay naging buhay kita. Alam ko tama ang ginawa nating desisyon. Indeed, love is sacrifice!