Sa araw-araw ginawa ng diyos
Sinusubukan kong kumayod na walang na babastos
Walang natatapakan
At Iniingatan di makasagasa
Ng kapwa kong damang-dama
Ang kahirapan
Ngunit bakit sa pilit
Kong mabuhay ng tuwid
Ay may makitid ang utak
Na gusto pang sumingit
Gustong makihati
Sa ani
Habang walang bakas ng dungis
Ang kanilang damit
Hindi ako santo, walang balak magka rebulto na sasambahin ninyo
Ako ay hamak lang nanilalang na iiniisip kung ano ang kakainin sa makalawa
Dahil sa liit ng sweldo
Kaya ano ang iniisip mo itutok sakin yang baril
Na nangangamoy dugo
Boy, walang wala na nga ako
Pati naman buhay ko nanakawin nyo
[2]
Ser, pasensya na walang personalan
Di ko matiis na walang gagawin
Sa aking kalagayan
Nangangailangan si Misis
Ng gamot sa matres
Sya'y buntis sa aming una
Sa sawing palad ay
May kumplikasyon mula pa sa pagdadalaga
Pagka't ginahasa sya
Ng limang gagong pinagkatiwalaan nya
At tinuring nyang kadugo
At tinuring nyang parang kuya
Nasaan na ba ang hustisya
Nasaan na ba? Hesusmaria
Sinunod ko ang batas
At kami'y nag sampa
Pero na bali-wala
Kumayod din naman ako
Nag-banat ng aking buto-buto
Kinapos pa din ang ipon
At ngayon
Nakatutok sa iyo ang baril
Na ginamit ko
Pamatay gago
Ser sige na, ibigay mo na
Kahit yang selpon mong napaka-mahal
Pandagdag bayad lang sa ospital
Mamatay na ang lahat wag lang aking mahal
Ano pa ang silbi kung wala na sya
Handa kumitil basta makita
Ang ngiting kay dalisay
Nasabisig si panganay
Kaya, Ser, pagbigyan niyo na ako please
Pero boy sana maintindihan mo
Hindi ito sagot
Hindi ito solusyon
Pinipilit mong makita
Ang ilaw sa dulo ng walang hanggang pag durusa
Ang kapalit ba'y masaktan
Sa ngalan ng buhay na hindi tiyak kung may ginhawa
Sino ba talaga ang may karapatan?
Dios ba o tao, sino ba ang huhusga?
Habang iniisip mo, dumadami ang duguan
Dumadami ang gutom, dumadami ang ligaw
[1] Sa araw-araw ginawa ng diyos Sinusubukan kong kumayod na walang na babastos Walang natatapakan At Iniingatan di makasagasa Ng kapwa kong damang-dama Ang kahirapan Ngunit bakit sa pilit Kong mabuhay ng tuwid Ay may makitid ang utak Na gusto pang sumingit Gustong makihati Sa ani Habang walang bakas ng dungis Ang kanilang damit Hindi ako santo, walang balak magka rebulto na sasambahin ninyo Ako ay hamak lang nanilalang na iiniisip kung ano ang kakainin sa makalawa Dahil sa liit ng sweldo Kaya ano ang iniisip mo itutok sakin yang baril Na nangangamoy dugo Boy, walang wala na nga ako Pati naman buhay ko nanakawin nyo [2] Ser, pasensya na walang personalan Di ko matiis na walang gagawin Sa aking kalagayan Nangangailangan si Misis Ng gamot sa matres Sya'y buntis sa aming una Sa sawing palad ay May kumplikasyon mula pa sa pagdadalaga Pagka't ginahasa sya Ng limang gagong pinagkatiwalaan nya At tinuring nyang kadugo At tinuring nyang parang kuya Nasaan na ba ang hustisya Nasaan na ba? Hesusmaria Sinunod ko ang batas At kami'y nag sampa Pero na bali-wala Kumayod din naman ako Nag-banat ng aking buto-buto Kinapos pa din ang ipon At ngayon Nakatutok sa iyo ang baril Na ginamit ko Pamatay gago Ser sige na, ibigay mo na Kahit yang selpon mong napaka-mahal Pandagdag bayad lang sa ospital Mamatay na ang lahat wag lang aking mahal Ano pa ang silbi kung wala na sya Handa kumitil basta makita Ang ngiting kay dalisay Nasabisig si panganay Kaya, Ser, pagbigyan niyo na ako please Pero boy sana maintindihan mo Hindi ito sagot Hindi ito solusyon Pinipilit mong makita Ang ilaw sa dulo ng walang hanggang pag durusa Ang kapalit ba'y masaktan Sa ngalan ng buhay na hindi tiyak kung may ginhawa Sino ba talaga ang may karapatan? Dios ba o tao, sino ba ang huhusga? Habang iniisip mo, dumadami ang duguan Dumadami ang gutom, dumadami ang ligaw Explain Request ×
Lyrics taken from
/calix-kara_krus-1564899.html